PatrolPH

Tanod pinagbabaril ng umano'y rebeldeng NPA sa Negros Occidental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2019 05:06 PM

Tanod pinagbabaril ng umano'y rebeldeng NPA sa Negros Occidental 1
Nakatayo lamang sa waiting shed na ito ang biktima nang pagbabarilin ng mga hinihinalang kasapi ng New People's Army sa Kabankalan City, Negros Occidental. Larawan mula sa Kabankalan City Police


KABANKALAN CITY, Negros Occidental - Isang barangay tanod at miyembro ng indigenous people sa Kabankalan City ang pinatay ng hinihinalang mga kasapi ng New People's Army (NPA), Martes ng hapon. 

Ayon sa imbestigasyon ng Philippine National Police at Philippine Army, nakatayo sa waiting shed sa Sitio Camandag, Barangay Carol-an si Cornelio Morales, 40, kasama ang anak nang lapitan ng limang di pa nakikilang salarin.

Pinagbabaril ng mga salarin ang biktima hanggang sa mamatay.

Iniimbestigahan pa ng pulisya kung ano ang motibo sa pagpatay.

Samantala, kinondena naman ng militar ang nasabing pamamaslang dahil paglabag umano ito sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.