Drayber ng dump truck, patay nang sumalpok sa backhoe

Arianne Apatan, ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2019 08:27 PM | Updated as of Jan 31 2019 09:24 PM

Watch more in iWantTFC

MAKILALA, North Cotabato - Patay ang isang driver matapos sumalpok ang minamanehong dump truck sa isang backhoe sa bayang ito, Martes.

Nakuhanan ni Angelo Guttierez ng bidyo ang insidente at ipinost sa Facebook.

Tinatahak ng dump truck na may kargang beer ang national highway sa bayan ng Makilala nang bumangga ito sa isang nakaparadang backhoe.

Patay ang drayber ng trak na kinilalang si Toto Roquiero matapos maipit sa pagitan ng dalawang sasakyan.

Ayon sa pulisya, nawalan ng preno ang trak. Maari rin umanong sinadayang ibangga ng drayber ang trak sa backhoe para hindi na makadamay pa ng iba.

Itong buwan ng Enero, nasa 30 aksidente na umano ang naitatala sa bayan ng Makilala, ayon sa pulisya.

Pangunahing dahilan umano ng mga aksidente ang driver's error.

Patuloy na nagpapaalala ang awtoridad sa mga motorista na ugaliing suriin ang sasakyan bago bumiyahe. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.