Babae arestado sa buy-bust sa Silay City

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2019 01:41 AM

SILAY CITY - Arestado sa isinagawang buy-bust operation ang isang 44 taong gulang na babae Martes ng gabi sa Barangay Guinhalaran sa lungsod na ito.

Nakuha sa suspek ang 13 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P45,000.

Ayon sa hepe ng pulisya na si Superintendent Noel Polines, nasa target list nila ang suspek at matagal na din nilang sinusubukang maaresto ito.

Itinanggi naman ng suspek ang paratang at sinabing planted ang mga nakuhang droga.

Samantala, arestado din ang isang newly-identified drug personality na si alyas Pani sa hiwalay na operasyon sa Bacolod City.

Anim na sachet naman ang nakuhang droga kay alyas Pani na tinatayang nagkakahalaga ng P40,000.

Kasong paglabag Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isasampa laban sa mga inaresto.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.