ALAMIN: Galaw sa presyo ng gulay, isda sa Kamuning Market

ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2019 11:46 AM

Bumaba ang presyo ng ilang klase ng gulay at isda habang tumaas naman ang presyo ng manok sa Kamuning Market nitong Miyerkoles.

Nakita ang pagbaba sa presyo ng mga sumusunod na gulay:

Presyo ng gulay sa Kamuning Market:
• Pechay Tagalog → P30/kilo (dati: P70/ kilo)
• Baguio beans → P50/ kilo (dati: P80/kilo)
• Talong → P40/kilo (dati: P100/kilo)
• Repolyo → P40/kilo (dati: P50/kilo)
• Ampalaya → P90/kilo (dati: P100/kilo)
• Patatas → P50/kilo (dati: P60/kilo)
• Okra → P30/bundle (dati: P50/bundle)

Tumaas naman ang presyo ng ilang gulay:
• Pechay Baguio → P50/kilo (dati: P40/kilo)
• Brocolli → P100/kilo (dati: P80/kilo)
• Sayote → P60/kilo (dati: P50/kilo)

Tumaas rin ang bentahan ng manok sa pamilihan sa P150 kada kilo mula P140. Mas mataas ito sa P125 kada kilong suggested retail price na ipinatutupad ng Department of Trade and Industry.

Bumaba naman ang presyo ng tilapia sa P100 kada kilo, mula P120 noon. Bumaba rin ang presyo ng bangus sa P170 mula sa dating P180.

Ang presyo ng kada kilo ng pusit ay sa P260 kada kilo na lang mula sa P300; habang tumaas sa P180 mula P160 ang presyo ng galunggong.

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.