9 na pamilya nawalan ng bahay sa sunog

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2019 09:35 AM

Pinagtulong-tulungan ng mga bumbero, volunteers at residente ang pag-apula sa apoy na sumiklab sa residential area sa Barangay 4 sa bayan ng Taft sa Eastern Samar. Larawan mula sa Taft Rescue 621

TAFT, Eastern Samar – Siyam na pamilya ang nawalan ng tirahan matapos na sumiklab ang apoy sa Barangay 4, Martes ng gabi.

Nagtulong-tulong naman ang mga residente at volunteers kasama ang mga bombero ng Taft at katabing bayan upang maapula ang apoy.

Gawa umano sa light materials ang 9 na bahay na nasunog.

Tinutulungan na ngayon ng local government unit ang mga apektadong pamilya o katumbas ng nasa 35 indibidwal.

Ang ilang apektadong pamilya ay nakikitira muna sa mga kamag-anak.

Sa ngayon hindi pa mabilang ang danyos sa sunog habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.