Bulkang Mayon, 2 beses nagbuga ng lava Lunes ng gabi

ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2018 12:47 AM | Updated as of Jan 30 2018 09:20 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Dalawang beses nagkaroon ng lava fountaining ang Bulkang Mayon nitong gabi ng Lunes.

Unang naitala ito 8:16 ng gabi at nasundang bandang 10:45 ng gabi.

Umabot sa 1,500 metro ang eruption column habang ang lava fountain naman ay umabot ng 200 metro.

Ayon sa Phivolcs, nag-iipon ang bulkan ng pressure sa ilalim nito na posibleng sundan ulit ng pagputok.

Naghahanda na rin ang Phivolcs sa posibilidad ng patuloy na lava flow at fountaining, gayundin ang mas malakas na pagsabog ng nag-aalborotong bulkan.

Dahil sa muling pag-aalboroto ng bulkan, umulan na naman ng abo sa munisipalidad ng Camalig.

Nakaranas din ng ash fall ang Guinobatan.

-- Ulat nina Erick Baldo, Raya Capulong, at Jeff Canoy, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.