3 lumang bomba, narekober sa ginagawang kalye sa Davao City

Rodirey Salas, ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2018 08:19 PM

Tatlong lumang bomba ang sunod-sunod na natagpuan sa isang ginagawang kalye sa Davao City. Rodirey Salas, ABS-CBN News Rodirey Salas, ABS-CBN News

DAVAO CITY - Tatlong lumang bomba ang magkakasunod na narekober mula sa ginagawang coastal road sa Barangay Talomo dito sa siyudad.

Unang natamaan ng backhoe ang isang 500-pulgadang general purpose bomb at isang 150mm artillery shell, Lunes.

Isang 'di pa natutukoy na klase ng lumang bomba ang muling nahukay sa lugar, Martes.

Ang natagpuang 500-pulgadang bomba ay may effectivity range na kalahating kilometro palibot mula sa lugar kung saan ito pumutok, ayon sa mga awtoridad.

Nagbabala naman ang mga opisyal ng Explosives Ordnance Division ng Davao City Police Office na mag-ingat at agad iulat sa mga awtoridad kung makakakita ng mga vintage bomb.

Giit ng mga awtoridad, luma man at kinakalawang ay walang expiration date ang mga eksplosibo kaya hindi ito dapat basta-basta pakialaman ng mga residente.