PARIS - Dalawang Pinoy sustainable product brands ang bumida sa katatapos na international trade show sa Maison et Objet 2023 na ginanap sa Paris Nord Villepinte sa France noong January 19.
Mga bagong disenyo ng accessories mula sa recycled paper ang vases, jars at modern design ng woven carpets at rugs na gawa naman sa abaca ang ilan lang sa mga ibinida sa trade show.
Tumagal ng limang araw ang trade show na natapos nitong January 23.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa France, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
KAUGNAY NA VIDEO: