MADRID -Ibinida ng Pilipinas sa International Tourism Trade Fair sa Madrid, Spain noong January 18 hanggang 21 ang tourist destinations ng Palawan, Siargao, Bohol, ang Cordilleras, Bicol at Calabarzon bilang major tourism destinations ng bansa para sa 2023.
Madrid PE photo
Layon ng pagsali ng Pilipinas sa international tourism fair na mas lumaki pa ang bilang ng Spanish at iba pang European tourists na bumisita at mamasyal sa Pililipinas. Namumukadkad sa ganda ng Pilipinas sa Philippine pavilions ng Department of Tourism.
Kumanta rin sa event upang ma-promote ang Philippine tourism si La Lyra Filipina lead singer at World of Performing Arts Champion Princess Virtudazo at flairtending Champion Dennis Barela.
Nagpa-raffle din ng plane tickets patungong Pilipinas ang kanilang partner airlines. Nagkaroon naman ng pagkakataon ang DOT office sa London na makipagpulong sa mga kumpanya at indibidwal upang mai-promote ang Philippine tourism sites sa Spanish at iba pang lahi.
Madrid PE photo
Noong January 20 inilunsad ng DOT na dinaluhan ng Filipino Community leaders ang ‘Bisita, Be My Guest’ (BBMG) campaign ng Department of Tourism sa Philippine Embassy sa Madrid.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Spain, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.