PatrolPH

Halos 300 bahay nasunog sa Iloilo City

ABS-CBN News

Posted at Jan 29 2023 02:23 PM | Updated as of Jan 29 2023 03:59 PM

Daan-daang bahay ang natupok sa Molo, Iloilo City, Enero 28, 2023. Retrato mula sa City Architect's Office
Daan-daang bahay ang natupok sa Molo, Iloilo City, Enero 28, 2023. Retrato mula sa City Architect's Office

(UPDATE) Halos 300 bahay ang nasunog sa Iloilo City noong madaling araw ng Sabado, ayon sa lokal na pamahalaan.

Umabot sa 292 bahay ang nadamay sa sunog na sumiklab sa mga barangay ng San Juan at West Habog-habog sa Molo district, base sa tala ngayong Linggo ng Iloilo City Social Welfare Development Office.

Sa video na ibinahagi ni Jonna Mae Diño, mapapanood ang paglamon ng malaking apoy sa mga bahay sa lugar.

Kaniya-kaniyang hakot din ang mga residente ng kanilang mga gamit.

Watch more News on iWantTFC

Ayon sa imbestigasyon ng Iloilo City Fire Station, mabilis na kumalat ang sunog sa dalawang barangay dahil karamihan sa mga bahay ay gawa sa light materials.

Patuloy pa umano ang imbestigasyon para matukoy ang sanhi at halaga ng mga napinsalang ari-arian.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

— Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.