PatrolPH

TINGNAN: Mall sa Cebu City nasunog, danyos abot ng P39 milyon

Annie Perez Gallardo

Posted at Jan 29 2022 10:20 AM

Wala namang naiulat na injury, at agad nailabas ang mga empleyado at customer ng mall sa Barangay Mabolo, Cebu City. BFP Cebu City
Wala namang naiulat na injury, at agad nailabas ang mga empleyado at customer ng mall sa Barangay Mabolo, Cebu City. BFP Cebu City

Natupok ang APM Mall sa S. Soriano Avenue, Barangay Mabolo sa Cebu City Biyernes. 

Nasa 62 fire trucks ang nagtulungan upang maapula ang apoy na umabot ng ika-3 alarm. 

Nagsimula ang sunog ng bandang 2 p.m., at nagtagal ng halos 3 oras bago idineklarang fire out. 

Tinatayang nasa mahigit P39 milyon ang halaga ng pinsala ng sunog at 70 na mga establishemento ang natupok.

Wala namang naiulat na injury at agad nailabas ang mga empleyado at customer ng mall.

Iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection ang insidente.

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.