PatrolPH

Lolong nanggahasa umano ng menor de edad tiklo sa Albay

ABS-CBN News

Posted at Jan 29 2022 05:15 AM

Sa kulungan ang bagsak ng isang 80-anyos na lalaki matapos arestuhin sa Ligao City, Albay dahil sa umano'y panggagahasa ng isang menor de edad. 

Ayon sa Albay Police Provincial Office nitong Biyernes, inaresto nila ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inihain ng korte noong Nob. 21, 2021 dahil sa 2 counts of rape laban sa kaniya.

Noong Setyembre 2020, nagtungo umano ang 13-anyos na biktima kasama ang kaniyang ina sa Ligao City Police Station para isumbong ang umano'y panghahalay ng suspek, na kapitbahay nila.

Ayon sa biktima, bigla na lang umanong pumasok sa bahay nila ang suspek na may dalang patalim at pwersahan siyang pinagsamantalahan sa loob ng isang kwarto ng kanilang bahay. 

Walang inirekomemdang piyansa ang piskalya sa kaso ng suspek.

— Ulat ni Karren Canon

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.