PatrolPH

Health frontliners puwede sa priority lane ng voters' registration: Comelec

ABS-CBN News

Posted at Jan 29 2021 02:31 PM

Health frontliners puwede sa priority lane ng voters' registration: Comelec 1
May kinakausap pasyente ang isang health worker sa labas ng  San Juan Medical Center sa N. Domingo, San Juan City noong Abril 17, 2020. Gigie Cruz, ABS-CBN News/File

MAYNILA - Maaaring gamitin ng mga health frontliner ang priority lane sa pagpaparehistro para sa halalan sa 2022, ayon sa isang opisyal ng Commission on Elections. 

Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, kinakailangan lang ipakita ang ID o kaya mga licensure card, bukod pa sa mga requirement na kailangang dalhin para sa voter's registration. 

Watch more News on iWantTFC

"Yung mga doktor po, nurse, ambulance drivers, hospital orderly, mga [nasa] LGU city health office, mga security guard ng mga ospital, frontliners po kayo. Ipakita niyo lang po ID niyo at mga PRC (Professional Regulation Commission) card," ani Guanzon sa panayam sa Teleradyo. 

Magtatagal hanggang Setyembre 30 ang pagpaparehistro para sa nalalapit na halalan. Pero sinabi ni Guanzon na hindi na ie-extend ang deadline ng voters' registration. 

Una nang nabanggit ng Comelec na may 1.17 milyon nang bagong botante para sa halalan sa 2022. Malayo pa ito sa 4 milyong target nila kaya plano nilang magdagdag ng barangay satellite sites.

Inilatag na rin nila ang ilang hirit pang health protocols ngayong may banta pa rin ng coronavirus disease (COVID-19) gaya ng "virtual" debates, dagdag na voting machines para maiwasan ang dagsa ng tao. 

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.