Cargo truck, nahulog sa bangin sa Antique

Rolen Escaniel, ABS-CBN News

Posted at Jan 29 2021 12:05 PM

Cargo truck, nahulog sa bangin sa Antique 1
Mechanical trouble umano ang naging sanhi ng pagkahulog ng isang cargo truck sa bangin sa Antique. Larawan mula kay Adam Bert Dela Cruz

Isang cargo truck ang nahulog sa bangin Huwebes ng umaga sa Barangay Igdalaguit, Tobias Fornier sa Antique.

Mapalad na nakaligtas ang driver ng trak na nakilalang si Arnel Porras, 53-anyos, at pahinante nito na si Michael Bedan, 25.

Sa kabila ng pagkawasak ng trak dahil sa lalim ng nahulugan nito, pananakit lang ng katawan ang naramdaman ng driver at kaunting galos sa katawan naman ang sinapit ng pahinante.

Ayon sa imbestigasyon ng Tobias Fornier Police, mechanical trouble ang sanhi ng aksidente dahil habang paakyat ang trak sa bundok ay bigla itong umatras at nahulog na sa bangin.

Nagtulong-tulong naman ang mga residente at awtoridad para maibalik ang karga ng trak.

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC