PatrolPH

Call center agent, nahuli sa pagnanakaw umano ng video games

ABS-CBN News

Posted at Jan 29 2021 06:07 AM

Call center agent, nahuli sa pagnanakaw umano ng video games 1
Kuha ng Angeles City Police Office

Isang 36-anyos na lalaking call center agent ang timbog matapos umanong magnakaw ng mga video game sa isang mall sa Angeles City nitong Huwebes.

Ayon sa pulisya, nahuli sa akto ang suspek na ipinapasok ang mga naturang video game sa kaniyang sling bag matapos niya pumasok sa video game shop.

Narekober mula sa kaniya ang 6 na Nintendo Switch games na nasa P12,605 ang halaga.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa Angeles City Police Station 3 at nahaharap sa kasong theft.--Ulat ni Gracie Rutao


RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.