PatrolPH

Barangay chairman sa Basilan, arestado dahil sa kasong pagpatay

ABS-CBN News

Posted at Jan 29 2021 12:05 AM

SUMISIP, Basilan - Inaresto ng pulisya at Philippine Coast Guard ang barangay chairman ng Barangay Marang sa Sumisip, Basilan Huwebes ng madaling araw sa bisa ng warrant of arrest sa kasong pagpatay sa isang negosyante noong 2005.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jamiron Ajijon alias Jamirun Amigos.

Sinampahan ng kasong murder si Ajijon. Arestado rin ang 3 pang kasama nito.

Nakuha ang isang baril at ilang mga bala sa loob mismo ng barangay hall kung saan nahuli ang mga suspek.

Dinala ang mga suspek sa Philippine National Police Anti-Kidnapping Group sa Zamboanga City.

- ulat ni Leizel Lacastesantos

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.