PatrolPH

'Akyat-bahay' arestado sa Bulacan

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Jan 29 2021 06:02 AM | Updated as of Jan 29 2021 07:35 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Inabot ng 3 araw na pagtatago ang isang lalaki mula Parañaque bago siya natunton at inaresto ng mga pulis sa bayan ng Doña Remedios Trinidad sa Bulacan noong Huwebes.

Pinaghahanap ang suspek na si Joseph Macaraeg dahil sa panloloob sa isang bahay sa Barangay BF Homes sa Parañaque noong Lunes.

Sa ulat ng Police Regional Office 3, natangay mula sa bahay ng biktima ang isang kalibre 9mm na baril, camera, laptop, 3 cellphone at mga alahas. Aabot ng P1.3 milyon ang halaga ng ninakaw.

Sabi ng pulis, dati nang nasangkot sa pagnanakaw ang suspek at nakilala sa security footage.

Nalaman nilang tumakas siya papunta sa bayan niya sa Dona Remedios Trinidad.

Nakipag-ugnayan ang Parañaque police sa pulis ng katabing-bayan ng San Ildefonso para sa pagsagawa ng follow-up operation.

Nabawi kay Macaraeg ang ilan sa mga ninakaw na gamit.

Nahaharap siya sa kasong robbery-theft.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.