PatrolPH

12 arestado sa 2 araw na anti-illegal drug ops sa Central Luzon

ABS-CBN News

Posted at Jan 29 2021 04:47 AM

Kalaboso ang 12 suspek sa 2 araw na anti-illegal drugs operations ng pulisya sa iba't ibang probinsya ng Central Luzon nitong Miyerkoles at Huwebes. 

Sa Angeles City, Pampanga, natiklo ang 9 lalaki sa mga sunud-sunod na anti-narcotics operation. 

Dalawa naman ang naaresto sa Bulacan at Olongapo City habang isa ang nahuli sa Tarlac.

Sa kabuuan, nakakumpiska ang pulisya umano ng 82 sachet ng shabu at 12 sachet ng marijuana na abot sa 34.4 gramo.

Nasa P273,040 umano ang street value ng mga nakumpiskang droga.--Ulat ni Gracie Rutao

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.