MAYNILA - Isang container ng meat products na sinasabing positibo sa African swine fever ang nasabat ng mga awtoridad sa Manila Port nitong Miyerkoles.
Ayon sa Manila Veterinary Inspection Board, ito na ang pinakamalaking shipment ng ilegal na karne na kanilang nasabat.
Galing umano sa China ang kargamento.
Nasita ang mga produkto nang malaman na may problema sa business license at accreditation ng kompanya na tumanggap nito. - Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog news, DZMM, ASF, African swine fever, meat products, karne, Manila Port Center, China, tv patrol