1,184 nakumpiskang motorcyle muffler sa Negros Occidental, winasak

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Jan 29 2020 01:29 AM

Larawan mula sa Sagay City Information and Tourism Office

NEGROS OCCIDENTAL - Pinasagasaan ng lokal na pamahalaan ng Sagay City sa road roller-compactor ang 1,184 na mga illegal "open pipe" motorcycle muffler sa isinagawang ceremonial destruction nitong Lunes.

Ang higit 1,000 open pipe motorcyle muffler ay nakumpiska mula sa iba't ibang operasyon sa national highway at sa pangunahing kalsada sa lungsod mula pa noong 2017.

Ito'y sa pagsasakatuparan ng City Ordinance No. 2015-002 sa Sagay City na layon ay ma-regulate ang paggamit ng mga modified mufflers sa mga motorsiklo.

Ayon kay Sagay City Mayor Alfredo Maranon III, ang paggamit ng illegal open pipe mufflers ay nag-aambag sa noise pollution sa komunidad kaya kailangan itong mabawasan para mapanatili ang road safety at kaayusan sa daan.

Pinanawagan din ng alkalde sa publiko na patuloy na magsumbong sa awtoridad sa mga motorcycle rider na patuloy pa ring gumagamit ng mga illegal motorcycle muffler.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.