Dinukot na kagawad natagpuang patay sa Agusan del Sur

ABS-CBN News

Posted at Jan 29 2019 02:53 PM

ESPERANZA, Agusan del Sur – Patay na nang matagpuan Lunes ng umaga ang isang barangay kagawad na nauna nang dinukot sa probinsiya. 

Ayon sa awtoridad, nakagapos na inilibing sa hukay ang bangkay ni Randy Insayoy, 31, kagawad ng Barangay Valentina sa bayan ng Esperanza. 
 
Nakita rin na may apat na tama ng saksak ang biktima.

Dinukot umano ang biktima ng pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) noong gabi ng Enero 25 sa loob ng kanilang bahay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, pinag-initan ang biktima ng mga rebelde dahil ang pamangkin nito na sundalo ay guide umano ng militar sa ginagawa nilang opensiba sa lugar.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

-- ulat ni Richmond Hinayon, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.