3 umano'y miyembro ng gun-for-hire group, patay sa engkuwentro sa Batangas

ABS-CBN News

Posted at Jan 29 2019 05:06 AM | Updated as of Jan 29 2019 09:50 PM

BATANGAS - (UPDATED) Patay ang 3 hinihinalang miyembro ng gun-for-hire group matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay Mahabang Dahilig, Lemery, Batangas Martes ng madaling-araw.

Watch more in iWantTFC

Ayon kay Senior Supt. Edwin Quilates, director ng Batangas police, unang pinaputukan ng mga suspek na sakay ng 2 motorsiklo ang mobile patrol sa checkpoint sa Balayan.

Nang mamataan ang mga suspek sa checkpoint sa Lemery, tumakas ito sa halip na huminto. Hinabol sila ng mga pulis na nauwi sa engkuwentro pasado alas-3 ng madaling-araw.

Narekober sa crime scene ang 2 kalibre .45 na baril, isang silencer, at isang ingram.

Posibleng sangkot umano ang mga suspek sa pagpatay kay SPO1 Roderick Botavara sa Balayan noong Nobyembre 2018.

Sa intelligence report ng Batangas police, 3 pa umanong pulis ang itutumba ng grupo. - ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.