Lalaking epileptic, patay matapos mahulog sa condo

Zhader Cayabyab, DZMM

Posted at Jan 29 2017 09:22 AM

MANILA - Dead on the spot ang isang lalaking epileptic makaraang mahulog mula sa ika-14 na palapag ng isang condominium unit sa Sampaloc, Maynila ng Linggo.

Kinilala ang biktima na si John Kerwin Liporada, nasa 20 anyos at taga-luto ng Calalang Law Office sa unit 1401 ng España Tower.

Ayon kay Rowena Reyes, tiyahin ng biktima, may epilepsy ang kanyang pamangkin at may ilang pagkakataon nang bigla itong tumatakbo kapag inaatake ng sakit.

Iniimbestigahan pa ng pulisya kung may foul play sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.