PatrolPH

Barangay kagawad sa Camarines Sur na suspek sa rape sa 2 pamangkin, arestado

ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2022 06:41 PM

BUHI - Inaresto nitong Huwebes ang isang 58-anyos na barangay kagawad sa bayan ng Buhi, Camarines Sur dahil sa panggagahasa umano ng kanyang mga pamangkin na menor de edad, ayon sa pulisya. 

Sa bahay niya mismo nadatnan ang suspek, na nahaharap sa kasong rape.

Ayon kay Police Major Melvin Alayan, hepe ng Buhi Muncipal Police Station, nahaharap sa kasong 4 counts of rape ang suspek matapos ang umano'y panghahalay sa 2 nitong pamangkin na magkapatid.

Nasa pangangalaga umano ng suspek ang mga biktima simula nang mamatay ang ina ng mga ito.

"Siya na nagpalaki kasi nung namatay yung nanay, yung tatay ng mga bata nag-asawa na rin ng iba. Ang sabi ng suspek, hinilot niya lang naman yung mga biktima kasi kung minsan, nagpapahilot daw sa kanya. Mag-iisang taon na itong kaso," paliwanag ni Alayan.

Walang inirekomendang piyansa ang piskalya sa kaso ng nabanggit na suspek.

- Ulat ni Karren Canon

 KAUGNAY NA BALITA

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.