PatrolPH

U-turn slot sa EDSA-Caloocan isasara simula Pebrero 1

ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2021 12:58 PM | Updated as of Jan 29 2021 07:33 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA — Isa na namang U-turn slot ang isasara sa bahagi ng EDSA sa Caloocan City bilang bahagi ng busway project.

Simula Pebrero 1, isasara ang General Tinio U-turn slot sa Caloocan City, sabi ngayong Huwebes ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ito ay para mapabilis umano ang daloy ng mga bus sa EDSA busway.

Pinayuhan ng MMDA ang mga maaapektuhang motorista na dumaan sa Balintawak-Cloverleaf.

May mga nakapuwesto rin umanong signages sa lugar bilang gabay ng mga motorista.

Nitong Enero, isinara ang mga U-turn slot sa Bagong Barrio at General Malvar sa EDSA-Caloocan.

RELATED VIDEO:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.