PatrolPH

Libu-libong reams ng bond paper nahulog sa trak sa Leyte

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2021 12:52 PM

Libu-libong reams ng bond paper nahulog sa trak sa Leyte 1
Nagkalat sa kalsada ang reams ng bond paper matapos na mahulog mula sa trak sa Capoocan, Leyte. Larawan mula kay Burns Vencilao

Nagkalat sa kalsada ang libu-libong reams ng A4 size na bond paper sa Barangay Sto. Niño sa Capoocan, Leyte, Miyerkoles ng gabi.

Ito’y matapos na bumukas ang wing-side door ng trak na may karga ng mga papel alas-8:15 ng gabi.

Hindi umano namalayan ito ng driver ng trak kaya nahulog ang mga kargang reams ng bond papers sa kalsada.

Libu-libong reams ng bond paper nahulog sa trak sa Leyte 2
Nagtulungan ang mga residente ng barangay para damputin at maibalik sa trak ang mga nahulog na A4 bond papers sa Capoocan, Leyte. Larawan mula kay Burns Vencilao

Galing Tacloban City at papunta sanang Cebu ang trak nang maganap ang insidente.

Nagbayanihan naman ang mga residente sa lugar para damputin at ibalik sa trak ang mga nahulog na reams ng bond paper. 

RELATED VIDEO:

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.