PatrolPH

Ginang na wanted sa estafa sumuko sa Olongapo City

ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2021 05:52 PM

MAYNILA – Napasakamay ng pulisya noong Miyerkoles ang isang ginang sa Olongapo City na wanted sa kasong swindling o estafa.

Kinilala ang suspek na si alyas "Eva," na kusang sumuko dahil sa kasong kinahaharap sa Aklan. Nasa kustodiya siya ngayon ng pulisya pero maaaring magpiyansa sa halagang P18,000.

Samantala, arestado rin sa operasyon ang isang babaeng pintor sa Meycauayan City, Bulacan na wanted naman sa kasong droga. Isa umano siya sa mga "most wanted" sa lungsod.

Timbog rin sa ikinasang manhunt operation ng mga awtoridad sa San Miguel, Nueva Ecija ang tinaguriang "number 3 most wanted" personality sa Talavera.

Kinilala ang naaresto na si Ulpiano Antonio, 52.

Ang tatlong naaresto noong Miyerkoles ay resulta umano ng pinaigting na operasyon ng Police Regional Office 3 sa Central Luzon.

–Mula sa ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.