PatrolPH

Behikulo na target ng drug-bust, nahulog sa sakahan sa Cotabato sa tangkang pagtakas

ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2021 06:46 PM

Behikulo na target ng drug-bust, nahulog sa sakahan sa Cotabato sa tangkang pagtakas 1
Nahulog sa sakahan ang behikulo ng suspek sa drug bust operation matapos na tumakas nang makatunog na pulis ang kaniyang nakatransaksiyon sa Matalam, Cotabato. Larawan mula kay Bernardo Tayong II

Arestado ang isang lalaking target ng buy-bust operation matapos na mahulog sa sakahan ang kaniyang sasakyan sa pagtangkang pagtakas sa awtoridad sa Matalam, Cotabato. 

Nakilala ang suspek na si Lojie Faustino na nahuli sa Barangay Dalapitan sa nasabing bayan, Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa pulisya, nabilhan ng isang pakete ng hinihinalang shabu si Faustino at nakatunog ito na mga pulis ang kanyang ka-transaksyon.

Agad umanong tumakas si Faustino sakay ang kanyang pick-up, pero hinabol siya ng mga pulis.

Pero pagdating sa Barangay Lika, sa karatig bayan ng Mlang, naaksidente ang sasakyan at nahulog sa sakahan.

Dito na siya nahuli ng awtoridad.

Haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act si Faustino.

- Ulat ni Hernel Tocmo

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC


 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.