Abogado, kasamahan patay nang tambangan sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2020 03:25 PM

PAMPANGA - Patay ang isang abogado at kaniyang kasamahan matapos tambangan ng mga hindi pa kilalang salarin sa Santa Rita, Pampanga Martes ng umaga.

Nagtamo ng tama ng bala sa leeg at ulo si Atty. Carlos Montemayor Anselmo, residente ng Floridablanca, Pampanga, habang nabaril sa dibdib si Marcial Perez Mendoza, residente ng Santa Maria, Bulacan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sakay ng itim na kotse ang 2 biktima nang tambangan ng 3 salarin na sakay ng motorsiklo sa Barangay San Vicente alas-9 ng umaga.

Sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera, nakasuot ng pula, itim at asul na T-shirt ang mga salarin.

- Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.