Dalawampung pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na tumama sa isang residential sa Sampaloc district, Maynila nitong madaling araw ng Martes.
Nasugatan naman ang isang residente sa kamay matapos madulas sa hagdan sa pagmamadaling makalabas sa nasusunog na bahay sa Miguelin Street. Aabot sa 10 bahay ang natupok.
Nag-umpisa ang sunog alas-2:44 ng madaling araw at idineklarang fire out bandang alas-3:41 ng madaling araw.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog, pero sinabi ng Manila Fire District na nagmula ito sa ikalawang palapag ng isang bahay na pagawaan din ng metalcraft.
Mabilis din umanong kumalat ang apoy dahil sa kawalan ng fire wall at sa lumang disenyo ng mga bahay. -- Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, sunog, Sampaloc, Maynila, Manila Fire District, Bureau of Fire Protection, TV Patrol, Lady Vicencio