8 bahay nasunog sa Zamboanga City

Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2019 07:55 PM

ZAMBOANGA CITY - Nasa walong bahay ang nasunog Lunes ng hapon sa Mango Drive, Barangay San Roque sa lungsod na ito.

Ayon sa District Fire Marshal ng Bureau of Fire Protection (BFP) na si Fire Superintendent Jhufel Brananola, hindi pa nila matukoy sa ngayon kung saang bahay nagsimula ang sunog.

Nasa 10 hanggang 14 na pamilya naman ang naapektuhan ng sunog.

Kasalukuyan silang namamalagi sa barangay hall ng San Roque habang ang iba naman ay nakitira sa kani-kanilang kamag-anak.

May isang lalaki na nagtamo ng sugat sa braso dahil sa sunog pero nasa mabuting kundisyon na ngayon.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng BFP upang matukoy ang dahilan ng sunog at halaga ng mga nasirang ari-arian.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.