PatrolPH

3 umano'y NPA patay sa engkuwentro sa Butuan

ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2019 01:14 PM

BUTUAN - Patay ang 3 hinihinalang miyembro ng New People's Army matapos umanong makipagbarilan sa mga sundalo sa lungsod na ito, Linggo.

Nagpapatrolya ang 29th Infantry Battalion nang makatanggap ng impormasyon ukol sa isinasagawa umanong extortion ng NPA sa Sitio Patagon, Brgy. Anticala.

Pawang mga miyembro ng Sandatahang Yunit Propaganda 21 ang mga napatay na rebelde, ayon sa militar.

Nakuha anila sa mga ito ang sari-saring kalibre ng armas.

--Lorilly Charmane Awitan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.