12 anyos para mapanagot sa krimen ang bata, OK sa Kamara

ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2019 05:07 PM | Updated as of Jan 29 2019 01:31 AM

(UPDATED) Inaprubahan ngayong Lunes sa Kamara ang isang panukalang nagbaba sa minimum age of social responsibility sa 12 anyos mula 15 anyos.

Sa botong 146-34, inaprubahan ng mga mambabatas sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8858, ilang araw matapos itong lumusot sa ikalawang pagbasa.

Mula sa kasalukuyang 15 anyos, ibinababa ng panukala sa 12 anyos ang edad ng batang maaaring papanagutin sa batas kapag siya ay nakagawa ng krimen.

Naunang ipanukala ng mga mambabatas na ibaba ito sa 9 na taong gulang pero ginawang 12 anyos base raw sa consensus ng mga kongresista.

Binago rin sa nirepasong panukala ang salitang "criminal" at pinalitan ito ng "social responsibility." - may ulat ni RG Cruz, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.