Dating pulis nagtangkang manuhol, nakuhanan ng P430,000 shabu

ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2018 02:56 PM

Inilalatag sa harap ng suspek ang pera at droga na nakumpiska mula sa kaniya. ABS-CBN News

MANILA - Inaresto noong Sabado ang isang dating pulis sa bayan ng Mabolo, Cebu City matapos umano itong makuhanan ito ng 36 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P430,000.

Kuwento ng suspek na si Antonio Tabug, pumunta siya sa istasyon dahil inutusan ng isang alyas "Boltek" na suhulan ang mga pulis ng P50,000 para pababain ang kaso ng isa pang suspek na naaresto dahil sa droga.

Pero hindi alam ni Tabug na nagkasa na pala ng entrapment operation ang mga awtoridad para sa pagbalik niya sa istasyon.

Kinapkapan siya ng mga pulis at nakuhanan ng 36 na gramo ng bawal na gamot, ayon sa pulisya.

Itinanggi naman ni Tabug na sa kaniya ang droga.

Nasilbi si Tabug ng 28 taon sa pulisya bago magretiro noong 2014.

--Ulat ni Leleth Ann Rumaguera, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.