Dating kagawad sa Pampanga pinagbabaril, patay

Alexandre Cunanan, ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2018 03:19 PM | Updated as of Jan 28 2018 07:23 PM

Patay na nang matagpuan ng mga awtoridad ang dating kagawad sa Mexico, Pampanga.

SAN FERNANDO, Pampanga - (UPDATED/CORRECTED) Patay ang isang dating kagawad ng barangay sa bayan ng Mexico matapos siyang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin. 

Kinilala ang biktimang si Froilan Gonzales, na natagpuang patay sa madamong bahagi ng isang tail dike sa nasabing bayan, suot ang puting t-shirt at maong na pantalon. 

Kuwento ng ilang residente malapit sa lugar, nakarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril bago makita ang bangkay ng dating barangay official. 

Narekober sa crime scene ang 5 basyo ng kalibre .45 na baril. Hindi pa tukoy ang motibi ng mga salarin pero patuloy ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.