PatrolPH

Nasa 70 tsuper sinita sa magkakahiwalay na operasyon sa QC, Valenzuela

ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2022 12:26 PM

MAYNILA - Sinita ng Inter Agency Council for Traffic ang nasa 70 tsuper sa magkakahiwalay na operasyon sa Quezon City at Valenzuela dahil sa iba't ibang paglabag.

Sumentro ang operasyon sa mga lugar na mataas ang bilang ng mga pasahero at Public Utility Vehicles papasok ng Kamaynilaan gaya ng A. Bonifacio Balintawak sa Quezon City at McArthur Highway sa Valenzuela City.

Nasa 53 driver sinita dahil umano sa iba't-ibang violations tulad ng excess passengers at hindi pagsunod sa traffic signs.

Nabigyan ng Inspection Report Summons ang 19 na jeepney drivers, habang 4 na out-of-line na bus ang impounded dahil hindi nagbaba ng pasahero sa tamang terminal.

Lahat ng nahuling mga sasakyan ay tineketan maliban nga sa 4 na mga bus na naimpound.

Dalawang pasahero naman mula sa iba’t-ibang PUV ang pinababa o hindi pinayagang makasakay dahil wala umanong maipakitang vaccination card o ibang dokumento gaya ng medical o barangay certification na nagpapatunay na sila ay exempted sa nasabing patakaran.

Nakipagtulungan din ang mga otoridad sa LGU para maayos na maihatid ang mga nasabing pasahero.

-- Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.