PatrolPH

Bangkay ng sanggol natagpuan sa Camarines Norte; suspek pinaghahahanap

ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2022 02:22 AM | Updated as of Jan 27 2022 10:16 AM

Babala: May mga detalye ang artikulong ito na nagsasalaysay ng marahas na eksena na maaaring hindi angkop sa lahat ng magbabasa.

Isang bangkay ng babaeng sanggol ang natagpuan sa Barangay Santa Elena Poblacion sa bayan ng Santa Elena, Camarines Norte.

Ayon sa pulisya, natagpuan ang bangkay sa masukal na bahagi ng Purok-2 dakong 2 p.m. Miyerkoles.

Wala pang pagkakakilanlan sa nagtapon ng bangkay ng sanggol kaya pakiusap ni Pol. Col. Julius Guadamor, provincial director ng Camarines Norte Police Office, na tumulong ang mga nakatira malapit sa lugar sa pagbibigay ng hustisya sa sinapit ng sanggol.

“Hinihingi po naming ang pakikipagtulungan ng lahat, lalo sa mga residenteng malapit sa lugar, sa kung sinuman ang nakakaalam ng impormasyon para sa ikatutunton sa posibleng ina ng sanggol na walang awang iniwan. Isang taong walang konsenya lamang ang kayang makagawa ng mga ganitong bagay,” ani Guadamor.

Hiningi na rin umano ng pulisya ang tulong ng Santa Elena Municipal Health Office para tingnan ang listahan nito ng mga nagbuntis at nanganak sa Bgy. Sta. Elena Poblacion at mga karatig-barangay nito. — Ulat ni Jonathan Vega Magistrado

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.