PatrolPH

2 lalaking umano’y most wanted sa kasong rape arestado sa Pandacan

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2022 06:28 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Hawak na ng pulisya ang umano’y 2 most wanted persons sa Pandacan sa lungsod na ito.

Unang inaresto ang 39-anyos na lalaki sa pagtutulungan ng Pandacan Police at Criminal Investigation and Detection Group Camanava.

August 2021 nang mangyari umano ang panggagahasa sa 14 anyos na anak ng kinakasama ng kanyang pinsan habang nakainom ang suspek.

Magkakasama sila noon sa iisang bahay sa Quezon City.

Natunton siya sa Pandacan kung saan nagtatrabaho sa Skyway project.

Sa Baseco compound na rin siya umuuwi ngayon.

Ayon sa suspek, nasagi umano niya ang dibdib ng biktima nang sila’y magkasalubong pero hindi umano niya pinagsamantalahan ang menor de edad.

Sunod namang inaresto ang 30 anyos na si alyas Niel na nagtatrabaho sa isang fastfood chain.

Ikinagulat niya ang paghahain sa kanya ng warrant of arrest lalo’t 2019 pa nangyari ang inirereklamong panghahalay.

Itinatanggi niyang pinilit niya ang biktima na asawa ng kanyang kaibigan.

Nangyari umano ang insidente habang nag-iinuman ang 2 sa boarding house sa Quezon City.

Walang piyansa ang kasong rape na haharapin ng 2 inaresto.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.