PatrolPH

Tricycle driver, timbog sa droga sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2021 05:52 AM

MAYNILA - Sa kulungan ang bagsak ng isang 40-anyos na tricycle driver matapos kumagat sa isang follow-up buy-bust operation sa Brgy. 33, Caloocan nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Ayon kay Police Maj. Ramon Aquiatan Jr, hepe ng Northern Police District-Drug Enforcement Unit, nahuli si "Jeffrey" matapos makipagtransaksyon sa pulisya sa naturang buy-bust.

Nakumpiska sa suspek ang nasa mahigit 100 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P748,000.

"Top 1 drug personality" umano ang suspek na nagbabagsak ng malalaking halaga ng ilegal na droga sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.

Umamin si Jeffrey na gumagamit siya ng ilegal na droga pero itinanggi na nagtutulak siya.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang suspek.--Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.