PatrolPH

Senior citizen patay matapos masagasaan ng bus sa Davao del Sur

ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2021 05:03 AM

Senior citizen patay matapos masagasaan ng bus sa Davao del Sur 1
Kuha ng Matanao PNP

Patay ang isang senior citizen matapos masagasaan ng isang pampasaherong bus sa bayan ng Matanao, Davao del Sur Martes ng gabi.

Ayon sa mga awtoridad, hindi napansin ng driver ng bus na si Christopher Fuentes ang biktima na patawid ng kalsada sa Kilometer 69, Barangay Sinawilan.

Hindi pa nakilala ang biktima, na binawian ng buhay sa Davao del Sur Provincial Hospital.

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang driver ng bus.

Nanawagan ang pulisya sa sinumang nakakakilala nito na nasa morge ng ospital dinala ang bangkay.

Bago ang aksidente, nakunan pa ng litrato ng mga residente ang biktima at pinakain dahil tila nawawala siya umano.--Ulat ni Hernel Tocmo

RELATED VIDEO
 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.