Punong barangay sugatan sa pamamaril sa Davao Oriental

ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2021 12:50 AM

Sugatan ang isang 56-anyos na punong barangay matapos siya pagbabarilin ng isang riding-in-tandem sa Brgy. Cawayanan sa bayan ng Boston, Davao Oriental Lunes ng hapon.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan si Yulito Badang na isinugod sa Cateel District Hospital.

Si Badang ay kasalukuyang punong barangay sa Cawayanan.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, naglalakad ang biktima sa Sitio Kamad patungo sa kaniyang sakahan nang sinalubong ito ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo at pinagbabaril ng tatlong beses.

Agad na tumakas ang mga sakay ng motorsiklo na walang plate number.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng krimen.

Inilipat na rin ang biktima sa Tagum Doctors Hospital sa Davao del Norte at nagpapagaling.--Ulat ni Hernel Tocmo

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.