Isang eroplano sa Francisco Bangoy International Airport sa Davao City. Larawan mula sa Davao LGU
DAVAO CITY - Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang isang pasahero na dumating sa Davao City nitong weekend na nagpresenta ng pekeng swab test.
Ayon sa mga awtoridad, dumating sa Francisco Bangoy International Airport si Frederick Panol Grande at nadiskubre na tampered ang RT-PCR test result niya at nakasaad na negatibo ito sa COVID-19.
"An email from the testing center proved that he faked the result," ayon sa pahayag ng lokal na pamahalaan ng Davao.
Hindi rin umano tama ang address at contact number na idineklara niya.
Sumuko naman si Grande, ayon sa health monitoring team ng airport, at nakumpirma na positibo siya sa COVID-19.
Ayon sa hepe ng Davao City public safety and security command center na si Angel Sumagaysay, 33 na ang nahuli sa pagpresenta ng pekeng RT-PCR test result, at 10 sa kanila ang nakasuhan na.--Ulat ni Hernel Tocmo
RELATED VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Davao, fake COVID-19 test, fake coronavirus test, RT-PCR test, Regional news, Tagalog news