PatrolPH

Motorsiklo bumangga sa trak sa Iloilo, 1 patay

ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2021 01:58 PM

Motorsiklo bumangga sa trak sa Iloilo, 1 patay 1

Patay ang isang lalaki matapos bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang trak sa Banga Dawis, New Lucena sa Iloilo.

Nakilala ang biktima na si Joven Intao, 25 anyos at residente ng Barangay Talibong sa Zarraga, Iloilo.

Sa imbestigasyon ng New Lucena Police, bumibiyahe ang trak na minamaneho ni Samuel Carlon, gabi ng Lunes nang marinig nito na may sumalpok sa kanang gilid ng kaniyang behikulo.

Nang kaniyang tingnan, nakita niya na nakahandusay na sa kalsada ang driver ng motorsiklo.

Agad namang dinala sa ospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival ng doktor.

- Ulat ni Rolen Escaniel

 RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.