Mga 'most wanted' sa Nueva Ecija at Bulacan, arestado

ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2021 10:48 PM

Arestado sa magkahiwalay na manhunt operation sa Bulacan at Nueva Ecija ang mga "most wanted" sa mga nasabing lalawigan.

Sa Bulacan, arestado nitong Miyerkoles si Jeanilyn Casoco, isang pintor na may arrest warrant para sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.

Isa siya sa mga nasa listahan ng "Most Wanter Personalities" sa bayan ng Meycauayan.

Arestado rin sa ikinasang manhunt operation ng mga awtoridad sa San Miguel, Nueva Ecija ang tinaguriang "No. 3 Most Wanted Personality" sa Talavera nitong Martes.

Kinilala ng Police Regional Office 3 ang naaresto na si Ulpiano Antonio, 52 anyos na wanted rin dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Samantala, sa Olongapo City, kusang sumuko nitong Miyerkoles ang isang Alyas "Eva" na may arrest warrant para sa kasong estafa sa Burunga, Aklan.

Nasa kustodiya na ng pulisya si Alyas Eva. Nasa P18,000 ang inirekomendang piyansa para sa kaniyang pansamantalang paglaya. - ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.