Babae patay sa pagsabog sa Cotabato

ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2021 07:09 PM

TULUNAN, Cotabato - Patay ang isang babae habang hindi bababa sa apat ang sugatan sa isang pagsabog na nangyari sa Barangay Sibsib sa bayang ito, Miyerkoles ng tanghali.

Dead on-the-spot si Gina Paunon na nagtitinda malapit sa pinagsabugan.

Unang sinabi ni Mayor Pip Limbungan na dalawa ang patay dahil inatake umano sa puso ang isang sugatan. Pero paglilinaw niya makalipas ang ilang oras, hindi raw ito namatay, at inilipat lang ng ospital.

Sumabog ang bomba sa national highway, sa harap ng dating ticket booth ng bus terminal.

May binababang mga pasahero ang bus nang biglang sumabog ang bomba.

“Yung pinangyarihan ng bombing, yun yung national highway. Yung highway, crossing, crowded yan. Maraming establishments diyan,” ani Limbungan.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente.

 

- ulat ni Chrislen Bulosan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.