PatrolPH

2 patay sa salpukan ng motorsiklo, tricycle sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2021 01:21 PM

Watch more on iWantTFC

Dalawa ang patay at 6 ang sugatan sa salpukan ng motorsiklo at tricycle sa Pototan, Iloilo hapon ng Martes.

Ayon sa mga awtoridad, magkaangkas sa motorsiklo ang 2 namatay, na nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan.

Pakaliwa na ang tricycle nang banggain ng motorsiklo sa paakyat na bahagi ng kalsada sa Barangay Guinacas, sabi ng pulisya.

Nakaligtas naman ang 6 na sakay ng tricycle at dinala sa pagamutan matapos magtamo ng mga sugat.

-- Ulat ni Rolen Escaniel

 FROM THE ARCHIVES:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.