Magsasaka at misis nito, patay sa pamamaril sa Negros Or.

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2020 07:30 PM

BAYAWAN CITY, Negros Oriental - Patay ang isang magsasaka at ang asawa nito matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga salarin sa Bayawan City, Negros Oriental, Linggo ng hapon.

Ayon sa pulisya, nanggaling sa isang piyesta sa Barangay Minaba ang mag-asawang sina Herman at Elvera Ecora. Sakay sila ng kanilang motorsiklo nang pagbabarilin nang ilang beses.

Nangyari ang insidente bandang alas-4 ng hapon, sa harap ng Canabuan Elementary School.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa mag-asawa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.