Nanay gumagamit umano ng droga habang nagpapadede sa anak

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2019 07:58 AM | Updated as of Jan 27 2019 08:23 PM

MANILA - Inaresto ng Quezon City Police ang isang nanay na huli umano sa aktong gumagamit ng droga habang nagpapadede sa anak.

Arestado ang babae sa sarili nitong bahay kasama ang limang iba pang gumagamit umano ng droga sa Brgy. Pasong Tamo, QC. 

Ayon kay isang opisyal ng barangay, nakatanggap sila ng tip na may gumagamit ng droga sa isang bahay. 

Tinawagan nila ang Talipapa Police Station at pagdating sa lugar nahuli nila sa aktong gumagamit ng droga ang anim na tao, kabilang ang nanay na nagpapadede pa umano ng anak. 

Pito ang anak ng babae pero anim lang ang kasama niya sa bahay na may mga edad na 4, 5, 8,13 at 18. 

Ayon sa barangay, posibleng langhap pa ng mga bata ang droga dahil napakaliit lang ng bahay. 

Itinanggi naman ng nanay na gumagamit siya ng droga habang nagpapadede, pero inamin na nagtutulak siya para may panggastos sa mga anak. 

Dadalhin ang mga bata sa Department of Social Welfare and Development.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.