500 bikers lumahok sa ride bilang paggunita sa SAF 44

ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2019 08:58 AM

MANILA - May limandaang bikers ang lumahok sa commemoration ride ng Philippine National Police para sa SAF 44 umaga ng LInggo.

Gamit ang kanilang mga bisikleta, nagtungo ang mga biker sa Camp Bagong Diwa sa Taguig mula Rizal Park.

Ayon kay Chief Superintendent Rhodel Sermonia, Director ng Police Community Relations, galing sa iba't-ibang units ng PNP ang sumama sa ikatlong commemoration ride para sa SAF 44.

May mga bikers din mula sa ilang cycling association ang nakipadyak sa commemoration ride.

Layunin aniya ng ride ng patuloy na maalala ang 44 na miyembro ng PNP Special Action Force na nasawi sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015.

Ayon sa PNP, nag-donate din ang mga grupo ng siklista at ang perang nalikom ay makakatulong para sa legal fees ng pamilya ng SAF 44 para makamit nila ang katarungan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.