2 babae arestado sa buy-bust sa QC

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2019 08:53 AM | Updated as of Jan 27 2019 09:17 AM

MANILA - Timbog ang dalawang babae, matapos mahuli sa akto na nagtutulak at gumagamit ng droga sa loob ng isang apartelle sa Kamias Road, Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Ayon sa pulisya target ng buy-bust operation si alyas Iya. Dati nang sumuko sa Oplan Tokhang si Iya pero bumalik umano ito sa ilegal na gawain.

Nahuli si Iya at ang kasama niyang babae na nag-check in sa apartelle.

Ayon sa pulisya, nagbebenta umano ng droga ang mga suspek sa mga tindero sa palengke. Nakuha sa mga suspek ang 20 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng higit P13,000.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.